2 lider ng NPA bulagta
MANILA, Philippines - Napatay ang dalawang lider ng mga rebeldeng New People’s Army matapos makasagupa ang puwersa ng militar at pulisya sa liblib na bahagi ng Sitio Boluntad, Barangay Sta. Teresita, sa bayan ng Mansalay, Oriental Mindoro kamakalawa.
Kinilala ni Army’s 2nd Infantry Division spokesman Lt. Col. Noel Detoyato ang mga napatay na sina Christopher “Ka Olip” Barrientos, vice platoon leader ng Kilusang Larangan Guerilla1 at Ulysses “Ka Mike” Galario, logistics officer ng Platoon 3.
Narekober sa encounter site ang M14 rifle, cal. 45 pistol, blasting caps, ammunitions , magazines, bandoliers, mga dokumento at personal na kagamitan.
- Latest
- Trending