Love triangle: 2 nilikida

KIDAPAWAN CITY , Philippines  – Pinaniniwalaang love triangle ang isa sa motibo kaya pinagbabaril hanggang sa ma­patay ang isang sundalo ng 33rd Infantry Battalion ng Phil. Army at kasama nitong babae sa Purok Rang-ai, Brgy. Poblacion, sa bayan ng Lambayong, Sultan Kuda­rat kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang mga napatay na sina Pfc. Rambad Rasid Hapas, 33; at Josephine Capalar Pesario, 44, habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si Muhammad Kabagani ng Brgy. Tungol, Sultan sa Barongis sa Maguindanao.

Ayon sa hepe ng pulisya na si P/Inspector Eugenio Malilin, naganap ang krimen sa bahay ni Pesario.

Show comments