Hepe ng tanod itinumba

BULACAN , Philippines  — Napaslang ang hepe ng barangay tanod makaraang ratratin ng mga ’di-pa kilalang lalaki sa labas ng sabungan sa Barangay Sto. Niño sa bayan ng Hagonoy, Bulacan kamakalawa ng hapon.

Apat na bala ng baril sa ulo ang tumapos sa buhay ni Joel Carpio, 38, habang tumakas naman ang gunmen lulan ng dalang motorsiklo.

Lumilitaw sa imbestigasyon ng pulisya na palabas ng sabungan si Carpio nang salu­bungin at pagbabarilin.

Show comments