CAMARINES NORTE , Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng isang 42-anyos na security guard matapos pagpapalakulin ng kanyang pamangking lalaki kahapon ng madaling-araw sa Purok 3, Brgy. Mambalite sa bayan ng Daet, Camarines Norte.
Luwa ang utak nang datnan ng mga rumespondeng pulis at hindi na naisugd pa sa ospital si Moises Abilgos habang naaresto naman nina SPO2 Jonathan Pavia at PO2 Morales ang suspek na si Andro Tenorio, 28,
Base sa police report, lumilitaw na nakatulog ang biktima sa kanyang tahanan dahil sa maghapong pagod mula sa Maynila kung saan sinamantala naman ng suspek na isagawa ang pamamaslang.
Sa interogasyon sa suspek, sinabi nito na madalas silang mag-away ng biktima sa hindi nabatid na dahilan.
Napag-alamang naipasok na sa mental hospital ang suspek noong 1999 dahil sa paghithit ng halamang kalampunay.
May teorya ang pu lisya na sinumpong uli ang suspek kaya nagawa ang pamamaslang.