2 NPA utas sa Army

KIDAPAWAN CITY, Philippines — Dalawang armadong lalaki na sinasabing mga rebel­deng New People’s Army ang napaslang makaraang makipagsagupaan sa tropa ng 25th Infantry Battalion ng 10th Infantry Division ng Phil. Army sa liblib na ba­hagi ng Cateel, Davao Oriental, kahapon ng umaga.

Lumilitaw na pinasok ng tropa ni Lt. Col. Gilbert Saret, commander ng 25th IB, ang kampo ng mga rebelde sa Sitio Carampel, Barangay Aliwagwag para i-rescue ang dalawang mga sundalo na binihag ng NPA nang sumiklab ang 30-minutong putukan.

Gayon pa man, nabigo ang tropa ng militar na mabawi sina S/Sgt. Bien­venido Arguilles at Caf­gu Job Latiban.

Nakubkob ng militar ang malaking kampo ng NPA na may 40 bunker kung saan narekober ang apat na M-16 assault rifles, 2 Carbine, at apat na bomba.

Show comments