BATANGAS , Philippines — Kinalawit ni kamatayan ang isang konsehal matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek sa panibagong karahasang naganap sa Mataas Na Kahoy, Batangas kahapon ng tanghali. Kinilala ni P/Senior Superintendent Alberto Supapo, Batangas police director, ang napaslang na si Councilor Jojo Hernandez, 33, ng Barangay 2A. Ayon sa police report, nagtatrabaho sa loob ng kanyang junk shop ang biktima nang biglang dumating at pagbabarilin ng tatlong armadong lalaki na sakay ng motorsiklo. Si Councilor Hernandez na natalo sa kandidatura noong May 10 polls ay nagtamo ng tatlong tama ng bala sa ulo at katawan.