3 minero pisak sa minahan

MANILA, Philippines - Kamatayan ang suma­lubong sa tatlong minero ma­­karaang bumigay at bumulusok sa may 100 metrong lalim na minahan ang sinakyang drum kama­kalawa sa Barangay Lawa-an, Danao City, Cebu.

Kabilang sa mga nama­tay ay sina Ramontio Tagalog, 42; Michael Valdez, 46, kapwa nakatira sa Baran­gay Magtagubtob, Danao; at Junrey Bavo, 28, ng Barangay Lawaan, Danao City.

Lumilitaw na kata­ tapos pa lamang ma­nang­halian ng tatlo nang magde­sis­yong bumaba ang isa sa tatlong minero sa hinuhu­kay na minahan na pag-aari ni Adelina Hermita.

Ayon kay SPO4 Jose Sa­lingua Jr. imbis magla­kad na bumaba sa kina­uga­liang ginagawa sa araw-araw sa minahan ay sumakay sa drum na may kable ang dalawa kung saan niyaya pa ang ka­sama na sumabay na rin sa pagbaba.

Subalit sa hindi inaasa­hang pagkakataon ay bu­migay ang kable na naka­kabit sa drum kaya bumu­lusok kasama ang tatlong minero sa may 100 talam­pakang lalim na minahan.

Ayon naman kay SPO1 Glenn Manulat, imbesti­gador ng Danao City PNP na posibleng hindi naka­yanan ng kable na naka­kabit sa drum ang bigat ng mga biktima na nagkabali-bali ang buto at basag ang bao ng ulo.

Show comments