Lider ng RHB, 3 pa, arestado

CAMP OLIVAS, Pam­panga, Philippines — Nalambat ng pi­nagsamang puwersa ng Philippine Army at Philippine National Police sa Gitnang Luzon ang apat na pinaghi­hinalaang mi­yem­bro ng makakomu­nistang Re­bolos­yonar­yong Hukbo ng Bayan (RHB) kama­kalawa sa Gua-Gua, la­la­wigang ito.

Kinilala ni Philippine National Police-Regional Director C/Supt. Arturo Cac­dac Jr., ang mga naaresto na sina Romeo Nuñez, al­yas Ka Nelson at lider ng grupo, at mga kasamahan nitong sina Jerry Lais, Fer­dinand Quiam­­bao at Zoren Es­piritu.

Ang RHB ay ang arma­dong grupo ng Marxist-Leninist Party of the Philip­pines (MLPP), isang break­away group ng Com­munist Party of the Philippines.

Bago ang pag-aresto isang tip-off mula sa intelligence network ng PA, PNP PRO3 at lokal na ope­ra­ tiba na lalabas ng bayan si Ka Nelson patu­ngo sa isang pulong.

Agad na nagsagawa ng checkpoint sa ilang pangu­nahing lagusan sa Gua­gua, Pampanga ang aw­toridad hanggang sa mati­yem­puhan ang apat.

 Tinangka pa umanong takasan ng apat ang mga nakatalaga sa checkpoint pero mabilis silang tinugis.

Nasamsam sa pag-i­ingat nina Ka Nelson ang iba’t ibang kalibre ng baril, bala at granada.

Malaki ang paniniwala ng kapulisan na malaking pors­yento ng puwersa ng grupo ang naparalisado likha ng pagkakahuli kay Ka Nelson.

Show comments