Pulis, 2 pa utas sa banggaan

CAVITE, Philippines — Todas ang tatlo katao kabilang ang isang pu­lis ma­karaang magsalpukan ang dalawang kotse ka­ma­kalawa sa Amadeo, Cavite. Idineklarang dead-on-the-spot ang mga bik­timang sina PO2 Lord Allan Poniente Ba­walan, Gilbert Malabanan at Gelacio Bayot, 54 samantalang su­gatan naman sina Dexter Amistoso, Florante Zapanta, 40 at Marcelo Baurile, 61 habang nahaharap naman sa ka­u­ku­lang kaso ang suspek na si Felipe Tibayan. Sa ulat ni Ca­vite Police Director P/Sr. Supt. Danilo Maligalig, dakong alas-11:10 ng gabi nang mag­salpukan ang Toyota Corolla (UAB 557) ni Bawalan at Nissan Sentra (UBB-223) na mina­­­maneho ni Tibayan sa kahabaan ng Bgy. Banaybanay ng naturan ding bayan. Sakay ni Bawalan sina Malabanan at Bayot habang kay Tibayan naman sina Amistoso, Za­panta at Baurile. Sinasabing sinakop ni Tibayan ang lane ni Ba­walan bukod pa sa mabilis na pagpapatakbo nito na nag­resulta sa salpukan na ikinamatay ng tatlong katao at iki­nasugat ng tatlong iba pa.

Show comments