PAF personnel dedo sa ambush, 2 pa kritikal

MANILA, Philippines - Isang tauhan ng Philippine Air Force (PAF) ang na­sawi ha­bang dalawa pa ni­tong ka­samahan ang nasu­gatan ma­karaang tam­ba­ngan ng mga pinaghihina­la­ang mi­yem­bro ng mga rebel­deng New Peo­ple’s Army (NPA) sa bayan ng Calaca, Batangas kama­kalawa.

Idineklarang dead-on-the spot si Airman 1st Class Darwin Roxas habang isinugod naman sa Maddona Hospital sa Balayan, Batangas ang mga sugatang sina Airman 2nd Class (A2C) Rom­mel Tiosion at Airman 2nd Class Aaron Manalo. Ang nasabing mga sundalo ay pawang mi­yembro ng 730th Special Operation Group (SOG) ng PAF na nakabase sa Barangay Co­ral, Lopez ng lalawigang ito.

Bandang ala-1 ng hapon nitong Huwebes ng mangyari ang pananambang sa mga biktima habang lulan ang mga ito ng motorsiklo na buma­bagtas sa kaha­baan ng highway ng Brgy. Calantas, Cala­ca ng tam­bangan ng mga armadong rebelde.

Nabatid na nakasibilyan ang nasabing mga sundalo nang mangyari ang pana­nam­­bang kasabay ng pag­kon­dena sa insidente.

Nagpapatuloy naman ang hot pursuit operations laban sa grupo ng mga rebelde na responsable sa pananam­bang.

Show comments