^

Probinsiya

2 obrero tinadtad ng bala

- Ni Boy Cruz -

SAN JOSE DEL MON­TE CITY, Bulacan, Philippines — Da­la­wang obrero ang pinag­ba­­baril hanggang sa ma­patay ng limang kalala­ki­han ma­tapos paluhurin sa harap mismo ng kanilang bahay sa Barangay Ba­gong Bu­hay 1 sa siyudad na ito ka­ha­pon ng ma­da­ling-araw.

Namatay habang gina­gamot sa ospital ang mga bik­tima na sina Dello Pla­na 56, ng Bgy. Bagong Bu­hay 1 at Benigno Sabal­za 55, ng Barangay San Pe­d­ro na nagtamo ng ma­ra­ming tama ng bala ng baril sa katawan.

Malawakang manhunt operation naman ang isi­nasagawa ng pulis­ya la­ban sa mga suspek na sina Henry Barros, Boy Am­baet, Reynaldo Barros, Amado Cabanes at Melvin Ca­vanes na agad na tu­makas matapos ang pa­ma­maslang.

Base sa imbestigasyon ni PO2 Abraham Tagarino dakong ala-1:30 ng ma­da­ling araw nang maganap ang krimen. Papasok na sa trabaho ang mga bik­ti­ma nang biglang hara­ngin ng limang suspek.

Dito ay pinaluhod ng mga suspek ang dalawa at pina­ulanan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kata­wan.

Batay sa inisyal na im­bes­­tigasyon lumilitaw na away sa pagkapa­ngu­lo ng aso­sas­yon ang sina­sa­bing motibo ng pama­mas­lang.       

Nareko­ber sa pinang­ya­­rihan ng krimen ang wa­long basyo ng bala mula .45 ka­­libre ng baril at tatlong bas­­yo naman mula sa 9mm ng baril.

ABRAHAM TAGARINO

AMADO CABANES

BAGONG BU

BARANGAY BA

BENIGNO SABAL

BOY AM

DELLO PLA

HENRY BARROS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with