^

Probinsiya

La Salle student patay sa love triangle

- Ni Cristina Go Timbang -

DASMARINAS CITY, CAVITE, Philippines — Love triangle ang nakikitang motibo sa pamamaslang sa isang gra­­duating student ng De La Salle University kama­kalawa ng gabi sa kaha­baan ng Congressional Ave., Barangay Sta. Fe ng lung­sod na ito.

Dead-on-arrival sa St. Paul Hospital sa Dasma­ riñas City ang biktimang si Marvin Antonio, 20, may kur­song Industrial Engineering sa nabanggit na unibersidad matapos na magtamo ng mga saksak sa katawan.

Isa naman sa apat na sus­­pek ang naaresto at ki­ni­­lalang si Jessito Ba­guio, 22 habang pinag­ha­hanap pa ang suspek na si Andrew Ramos at da­lawang iba pa. Pawang mga estu­dyante din ng nasabing uni­ber­sidad ang mga suspek.

Batay sa isinagawang imbestigasyon ni PO1 Paulo Figueroa naganap ang insi­dente dakong alas-6:35 ng gabi habang naglalakad pauwi ang biktima at ha­ra­ngin ng mga suspek.

Dito umano inundayan ng saksak sa dibdib ng mga suspek ang biktima at ng duguang bumulagta ito ay mabilis na tumakas ang mga ito tangay ang ginamit na patalim.

Sa isinagawang follow-up operation ng pulisya, na­dakip si Baguio na uma­no’y dating boyfriend ni Katrin Penarendonda, na kasa­lukuyan namang girlfriend ng biktima.

Sa salaysay ng mga witness sa pulisya, posibleng hindi matanggap ng sus­pek na si Baguio na ang bik­­tima ang kasalukuyang nobyo ng kanyang dating ka­sintahan.

Posible din umanong sinusubaybayan ng mga suspek ang biktima hang­gang sa makakita ng pag­ka­kataon ang mga ito na isa­gawa ang krimen.

vuukle comment

ANDREW RAMOS

CONGRESSIONAL AVE

DE LA SALLE UNIVERSITY

INDUSTRIAL ENGINEERING

JESSITO BA

KATRIN PENARENDONDA

MARVIN ANTONIO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with