SUV sumalpok sa poste: 7 patay, 6 pa sugatan
MANILA, Philippines - Pito katao ang agad na namatay habang anim pa ang nasugatan makaraang aksidenteng sumalpok ang isang van na sinasakyan ng mga biktima sa isang poste ng kuryente sa highway sa Dasmariñas City, Cavite kahapon ng madaling-araw.
Kinilala sa pamamagitan ng kanilang mga identification cards ang mga biktimang sina Dhan Rick Valerio,19; estudyante; McHarold Sarmiento; Robin Joseph Regala 20; Ranilo Peña, Jr., 24; Raymond Cantimbuhan, 36; Raynard Villamor, 23, pawang mga residente ng Windsor Homes Subd. Brgy. Burol 3 ng nabanggit ding lungsod habang namatay naman sa ospital si Edmund Laurente, 20, estudyante, residente ng Brgy. San Francisco 2 ng lungsod ding ito.
Sa ulat ni Cavite Provincial Police Office (PPO) Director Sr. Supt. Primitivo Tabujara, naganap ang sakuna dakong alas-4:30 ng madaling-araw sa kahabaan ng highway ng Governors Drive, Brgy. Langkaan 1, Dasmariñas City.
Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang tatlo sa anim na nasugatang biktima na kinabibilangan nina Eduardo Caasi, 22; Remante Carillo, 26; driver na si Adolfo Abcede.
Sa imbestigasyon ni Dasmariñas City Police Director P/Supt. Marcos Badilla, lulan ang mga biktima ng isang kulay puting Toyota Prado na may plakang NWI-964 nang bigla na lamang itong sumalpok sa dalawang poste ng Meralco.
Sa lakas na pagkakabangga ay nagkayupi-yupi ang nasabing behikulo at bumaligtad na naging mitsa ng kamatayan at pagkasugat ng mga sakay nito.
Nabatid pa sa opis yal na nasa impluwensya ng alak ang ilan sa mga biktima.
- Latest
- Trending