^

Probinsiya

Anak ng Comelec official kinidnap

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang kinid­nap ang isa sa mga anak ni Comelec Commissioner Elias Yusoph matapos na hindi makauwi mula sa mosque sa Barangay Dan­salang sa Marawi City, Lanao del Sur kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Autonomous Region in Muslim Minda­nao (ARMM) acting PNP director P/Chief Supt. Bien­venido Latag, nakipag-ug­nayan na sa kanilang tang­gapan si Commissioner Yusoph at iniulat ang pag­ka­wala ng kaniyang anak na si Nuraldin Yu­soph, 23.

Lumilitaw na bandang alas-7 ng gabi nang mag­pa­alam si Nur Aldin na magsisimba sa mosque sa nabanggit na barangay su­balit makalipas ang ilang oras ay nabigo na itong makabalik kung saan hindi rin ito sumasagot sa tawag sa kaniyang cell phone.

Gayon pa man, kasabay ng pagkawala ng anak, isang tawag sa telepono ang natanggap ni Commissioner Yusoph mula sa ‘di-pa kilalang lalaki na inu­utusan itong ibasura ang naging resulta ng eleksyon sa mga bayan ng Masiu, Taraka, Pikong at Mabang na nasa Lanao del Sur.

Magugunita na pitong bayan ang nagsagawa ng special elections sa Lanao del Sur bunga ng mga ka­guluhan na sinasabing re­sulta ng away-pulitika.

Kinumpirma naman ni Comelec spokesman Ja­mes Jimenez na ki­nid­nap ang anak ni Com­missioner Yusoph.

Nagsasagawa na ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad kung konektado ang pagkawala ng anak ng Comelec official sa mga tawag na ti­nang­gap nito hinggil sa katatapos na halalan.

AUTONOMOUS REGION

BARANGAY DAN

CHIEF SUPT

COMELEC

COMELEC COMMISSIONER ELIAS YUSOPH

COMMISSIONER YUSOPH

LANAO

MARAWI CITY

MUSLIM MINDA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with