Sekyu binoga sa ulo

BULACAN, Philippines — Anumang oras ay nakaambang salubu­ngin ni kamatayan ang security guard na nagbabantay sa tindahan matapos barilin sa ulo ng ‘di pa kilalang lalaki na sinasabing miyembro ng grupong agaw-armas sa bahagi ng Barangay Biñang 2nd sa bayan ng Bocaue, Bulacan kahapon ng umaga.

Nasa kritikal na kalagayan si Larry Gargar ng Jericho Security Agency sa Las Piñas City at residente ng Brgy. Poblacion, Sta. Maria, Bulacan. Ayon kay SPO3 Jose Fabines, lumilitaw na nakatayo ang biktima sa harapan ng convinient store nang lapitan at barilin.

Nadamay naman si Marivic Amahido kung saan tinamaan ng ligaw na bala ng baril sa kaliwang leeg at balikat matapos bumaba sa jeepney.

Show comments