^

Probinsiya

5 dedo sa karambola

-

BATANGAS, Philippines — Lima-ka­tao ang kumpirmadong na­sawi matapos magka­ram­bola ang10-wheeler truck, kotse at pampasa­herong jeepney sa kaha­baan ng highway sa Lipa City, Batan­gas kamaka­lawa ng mada­ling-araw.

Kabilang sa mga na­ma­tay ay sina Norberto Ver­gara, 52; Jose Cuevas, 59, kapwa residente ng Ba­rangay Quilo-Quilo, Lipa City; Candelaria Gutierrez, 50; Marilis Guerra, 45; at si Harold Reyes,16; pawang nakatira sa bayan ng Ro­sario, Batangas.

Sugatan naman sina Ono­pre Guerra, 45; at Ester Vergara, 32, na kapwa na­isugod sa Mahal na Birheng Maria District Hospital at N.L.Villa Hospital.

Sa police report na na­ka­rating kay P/Senior Supt. Alberto Supapo, Batangas police director, nagpapalit ng flat tire ang driver at pa­hinan­te ng truck (UDW-472) sa kahabaan ng highway sa Barangay Pinagka­witan, Lipa City nang big­lang su­malpok sa likuran nito ang kotseng Honda Civic (UKH-243) na lulan ang mga namatay na sina Vergara at Cuevas ban­dang alas-2 ng madaling-araw.

Kasunod nito, ilang sag­lit pa, ay bigla namang su­mal­pok ang pampasa­he­rong jeepney (DXL-138) sa likod ng Honda Civic nang hindi mapansin ng driver na si Diony Virtusio ang nag­banggaang sasak­yan sa kanyang harapan, na iki­namatay naman ng tat­long pasaherong sina Gu­tierrez, Guerra at Reyes.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang driver ng truck na si Alejandro Rivera at ang kanyang pahinante na nagsitakas matapos ang aksidente na sina­sabing walang early warning device sa likuran ng truck habang nagpapalit ng flat tire.

ALBERTO SUPAPO

ALEJANDRO RIVERA

BARANGAY PINAGKA

BATANGAS

BIRHENG MARIA DISTRICT HOSPITAL

CANDELARIA GUTIERREZ

DIONY VIRTUSIO

HONDA CIVIC

LIPA CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with