MANILA, Philippines - Kasalukuyang nakikipaglaban kay kamatayan ang isang Koreanong negosyante matapos pagbabarilin ng ‘di-pa nakilalang lalaki sa harapan ng gate ng tahanan nito sa bayan ng Silang, Cavite kamakalawa. Naisugod sa Southern Hospital sa Barangay Paseo, Sta. Rosa, Laguna si Kim Jong Joe, 48, ng Sangil Building, Brgy. Puting Kahoy, Silang. Base sa police report na nakarating sa Camp Crame sa Camp Crame, lumilitaw na inaayos ng biktima ang kanilang gate nang lapitan at ratratin dakong alas-8:40 ng umaga. Nakatakas naman ang gunman lulan ng kulay abong Toyota Avanza.