3 arestado sa drug bust

BULACAN , Philippines  —Tatlong kalalakihan na sinasabing notoryus na tulak ng bawal na droga ang naaresto ng pulisya sa isinagawang drug bust operation sa Barangay Lo­lomboy sa bayan ng Bocaue, Bulacan kamakalawa. Pormal naman kinasuhan ng pulisya ang mga suspek na sina Richard Arbujes ng Brgy. Cansinala, Apalit, Pampanga; Rodrigo Trijo ng Brgy. Bagumbayan; at si Fernando Men­doza ng Brgy. Lolomboy. Si Arbujs ay naaktuhang nag­bebenta ng droga sa isang poseur buyer na pulis habang sina Trijo at Mendoza naman ay naaktuhan sa pot session sa loob ng bahay. Nasamsam sa mga suspek ang ilang plastic sachet ng shabu, ilang stick ng pinatuyong dahon ng marijuana at iba’t ibang drug paraphernalias.

Show comments