MANILA, Philippines - Tinatayang aabot sa milyong halaga ng ari-arian ang nawasak matapos manalasa ng buhawi sa limang barangay sa bayan ng Tupi, South Cotabato, kamakalawa. Sa report ng Regional Disaster Coordinating Council, kabilang sa hinataw ng buhawi ay ang mga Barangay. Polonuling, Palian, Kalkam, Lunen at Barangay Crossing Rubber. Wala namang iniulat na nasawi o nasugatan sa insidente bagaman tinatayang aabot sa milyong halaga ng ari-arian ang iniwang pinsala kabilang ang mga taniman, poultry at naapektuhan din ang mga alagang hayop ng mga residente. Kaugnay nito, namahagi na ng tulong ang lokal na pamahalaan sa mga apektadong residente.