MANILA, Philippines - Minsan ang sipag at tiyaga lamang ay hindi garantiya para sa ta-gumpay. Haluan mo ito ng konting suporta mula sa gobyerno, sa larangan ng pagsasanay at pondo, ang siyang kumpletong formula ng tagumpay.
Para kay Gil Navarro may-ari at president ng Masantol, Pampanga-based na Navarro Foods, ang nasabing formula ay hindi naging matagumpay sa kanya at para sa pa-milya nito. Mula sa ne-gosyong kumikita lamang ng P200 kada araw, ngayon ang Navarro Foods ay isa nang multi million-peso industry, na kumikita ng milyones bawat buwan.
Ang Navarro Foods ay gumagawa at nagpa-packages ng ‘taba ng talangka,’ ‘burong hipon,’ ‘burong dalag’ at ‘atsarang papaya’ at iba pa. Siya ay nagsimula na may pitong empleyado subalit ngayon meron na silang 35 full-time workers. Mayroon itong loan na P3.5 million mula sa bangko ng gob-yerno na Development Bank of the Philippines (DBP) at P1 milyon mula sa government’s Small Business Guarantee Fund, ang Navarro Foods ay nagdagdag ng factory nito at produksyon upang ma-abot ang demand nito lalo na sa export market.
Ipinapalagay ni Na-varro na ang kanyang ma-laking tagumpay ay bun-sod sa walang tigil na pagsisikap ng gobyerno sa pagsuporta sa mga MSMEs. Ang pagbibigay ng Department of Trade and Industry (DTI), ng training at seminars sa micro, small and medium scale industries, ang De-partment of Science and Technology (DOST) ukol sa food manufacturing process, packaging at labeling systems, ang government banks tulad ng DBP at iba pang lending institutions para sa fi-nancing at ang gobyerno sa kabuuan para sa pagbi-bigay ng conducive climate para sa mga maliliit na negosyante.
“Malaking bagay ang tulong ng pamahalaan para sa isang ‘di nakapag-aral na tulad ko upang ma-ging matagumpay,” aniya.