4 Karnaper tiklo

BOCAUE, Bulacan, Philippines — Pinaniniwalaang nabuwag na ng pulisya ang apat na miyembro ng isang grupo ng mga karnaper makaraang maaresto ang mga ito sa magkakahiwalay na ope­rasyon sa dalawang bayan sa lalawigang ito.

Kinilala ni Bulacan Provincial Director P/Sr. Supt. Fer­nando Villanueva ang mga naaresto na sina Jomar Gab­riel 18, Arjay De Los Santos 21, Patrick Jerry Chew 24 at Jerome Estrella 27; pawang mga miyembro ng Paolo Flores Carnapping Group na nago-operate sa iba’t ibang bayan.

Lumilitaw sa imbesti­gasyon na ang mga suspect ang nasa likod ng na­ ka­wan ng motorsiklo sa Bulacan.

Show comments