MANILA, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang isang Army skydiver matapos sumablay ang talon nito sa C130 plane sa isinagawang training exercise ng tropang Kano at ng AFP troops sa Clarkfield, Pampanga kahapon ng umaga.
Ayon kay Philippine Army Spokesman Major Ronald Jess Alcudia, ang biktima na hindi muna nito tinukoy ang pangalan ay miyembro ng Special Forces Regiment .
“He was killed after a high altitude fall at Air Force City this morning”, ani Alcudia sa biktima na kalahok sa Military Freefall Landing ng RP-US Vector Balance Piston 10-2 Exercise.
Bandang alas-8:30 ng umaga ng isagawa ang pagsasanay at nakita ang bangkay ng biktima pagkaraan ng isang oras na paghahanap.
Ang biktima ay unang naideklarang nawawala sa dropzone area at nakita ang bangkay sa isinagawang search and rescue operations ng dalawang magkaalyadong puwersa.