^

Probinsiya

Army skydiver patay sa training exercise

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nagbuwis ng buhay ang isang Army skydiver matapos sumablay ang talon nito sa C130 plane sa isinagawang training exercise ng tropang Kano at ng AFP troops sa Clarkfield, Pampanga kaha­pon ng umaga.

Ayon kay Philippine Army Spokesman Major Ronald Jess Alcudia, ang biktima na hindi muna nito tinukoy ang pangalan ay miyembro ng Special Forces Regiment .

“He was killed after a high altitude fall at Air Force City this morning”, ani Alcudia sa biktima na kalahok sa Military Freefall Landing ng RP-US Vector Balance Piston 10-2 Exercise.

Bandang alas-8:30 ng uma­ga ng isagawa ang pag­­sasanay at nakita ang bang­kay ng biktima pag­ka­raan ng isang oras na pag­ha­hanap.

Ang biktima ay unang naideklarang nawawala sa dropzone area at nakita ang bangkay sa isinagawang search and rescue operations ng dalawang magkaalyadong puwersa. 

AIR FORCE CITY

ALCUDIA

AYON

BANDANG

CLARKFIELD

MILITARY FREEFALL LANDING

PHILIPPINE ARMY SPOKESMAN MAJOR RONALD JESS ALCUDIA

SHY

SPECIAL FORCES REGIMENT

VECTOR BALANCE PISTON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with