^

Probinsiya

TV reporter na na-trap sa Taal volcano nailigtas

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Nailigtas ng pinagsanib na elemento ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Coast Guard (PCG) ang isang television reporter matapos itong ma-trap ng 5 oras ng mangahas na lumapit sa crater ng naga-alburutong Taal volcano sa lalawigan ng Batangas kamakalawa.

Kinilala ni Batangas Provincial Police Office (PPO) Di­rector Sr. Supt. Alberto Su­pa­po ang nailigtas na biktima na si Joshua Garcia, reporter ng Global News Network (GNN) ng Global Destiny Cable na naka­base sa Pili­pinas.

Batay sa imbestigasyon, dakong alas-7 ng umaga ni­tong Huwebes ng dumating sina Garcia, crew nitong si Luis Cruz at driver na si Edgar Nono sa bayan ng Talisay, Batangas. Nabatid na humingi ng permiso sina Garcia sa lokal na tanggapan ng PCG dakong alas-10 ng umaga pa­ra ma­kapag-interbyu uma­no ng mga residente ng Brgy. Tabla, Talisay na malapit sa Taal Volcano.

Gayunman, dahilan nais makakuha ng video footage ay nangahas si Garcia na bu­maba sa Polo Island na ini­wan sa itaas ang kaniyang mga crew kung saan pu­mun­­ta ito malapit sa crater ng Taal volcano, pero nahilo sa sulfur dioxide.

Bandang alas-10:30 ng uma­ga ay nagawa umanong mag-text ni Garcia sa kani­yang cameraman na si Cruz na sinabing nawawala siya.

Dakong alas-4:20 ng ha­pon ng mailigtas ng rescue team ng Talisay Police at PCG sa pamumuno ni 2nd Lt. Benjamin Misador si Garcia na agad na dinala sa JRC Clinic sa Talisay. 

ALBERTO SU

BATANGAS

BATANGAS PROVINCIAL POLICE OFFICE

BENJAMIN MISADOR

EDGAR NONO

GARCIA

GLOBAL DESTINY CABLE

JOSHUA GARCIA

LUIS CRUZ

NEWS NETWORK

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with