5 katao nilapa ng asong ulol

BUSTOS, Bulacan, Philippines — Lima katao kabilang ang isang anim na taong gu­lang na estudyanteng la­laki ang magkakasunod na ni­lapa ng isang naulol na asong kalye sa dala­ wang barangay sa bayang ito kahapon ng madaling- araw.

Ang mga biktima ay na­kilalang sina Marivic Cruz, 46-anyos ng Purok 6, Brgy. San Pedro, Carol De Guz­man 37, ng Brgy. Pob­la­cion, isang tindero ng pan­de­sal na nakilala la­mang sa alyas Titing, taga Baliwag, isang 6 anyos na batang lalaki, at isa pang lalaki na kapwa residente ng bayan ng Bustos. Agad na dinala sa isang ospital sa Manila ang mga ito upang masu­ring mabuti ang kanilang kalagayan.

Ayon sa imbestigasyon dakong alas-5 ng madaling araw ng magtungo si Mari­vic sa isang sari-sari store na ‘di kalayuan sa kanilang bahay upang bumili ng ma­kakain ng kaniyang pamilya para sa agahan.

Nakasalubong naman ng ginang ang asong ulol na agad itong sinalakay ng kagat sa kaliwang braso at kaliwang hita, matapos nito ay sunod na sinalakay si De Guzman na nakaang­kas sa isang motorsiklo kasama ang kanyang asa­wa kasunod ang anim na taong gulang na bata na ki­nagat naman sa kanang pis­ngi at balikat.

Samantalang naglalako naman ng tinapay ang la­la­ki na kinilala lamang sa al­yas na Titing na nakasa­kay sa isang bisikleta at agad ding kinagat sa kali­wang hita habang ang isa pang lalaki ay kinagat din sa hita mata­pos na tumak­bo ito dahil sa nakitang pang­­­yayari.

Nagkataon naman na dumadaan ang isang pulis na nakatalaga sa Provincial Public Safety Company na nakabase sa bayan ng San Rafael kung kaya na­pi­litan na itong barilin at ma­­patay ang asong ulol upang hindi na makapa­minsala pa ng ibang resi­dente.

Matatandaan na nilapa din ng isang asong kalye ang kaliwang pisngi at likurang bahagi ng ulo ng dalawang taong gulang na si James Mark Serrano habang naglalaro sa Brgy. Wakas sa bayan ng Bo­caue noong nakalipas na buwan ng Mayo.

Show comments