P.8-M kable nabawi
ZAMBALES, Philippines — Aabot sa P.8 milyong halaga ng kable ng telepono ang nabawi ng pulisya matapos maaresto ang isa sa tatlong miyembro ng sindikato kamakalawa ng umaga sa bayan ng San Felipe, Zambales. Sa ulat na nakarating kay P/Chief Supt. Arturo Cacdac Jr. ni P/Senior Supt Rafael Santiago, kinilala ang suspek na si Enofri Brinquiz Jr., 44, ng Barangay Minuyan, San Jose Del Monte City, Bulacan habang tugis naman ng pulisya dalawang kasabwat ni Brinquiz na sina Herminigildo Camo at isang alyas Alex. Ayon sa ulat, ang mga suspek na lulan ng truck (RHJ 277) ay hindi huminto sa inilatag na checkpoint sa Barangay Feria kaya hinabol ng police patrol car. Nasamsam sa suspek ang apat na lagareng bakal, tatlong homemade shotgun at limang bala, plakang UEZ 921 at 500 metrong kable ng PLDT na sinasabing ninakaw sa bayan ng Castillejos, Zambales.
- Latest
- Trending