5 sunog sa LPG blast

LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Lima-katao ang iniulat na nasunog ang katawan makaraang sumabog ang tangke ng liquified petroleum gas (LPG) kahapon ng umaga sa Purok 3, Barangay Panarayon sa bayan ng Bacacay, Albay. Kabilang sa mga biktimang naisugod sa Ziga Memorial District Hospital ay sina Natividad Barrion, 78; Aida Barrion, Rogelio Beltran, Charlito Barrion, at si Jovito Balguis. Lu­militaw sa inisyal na pagsisiyasat, su­mabog ang tangke ng LPG na nasa kusina ng bahay ng mga biktima habang ito ay binubuksan para mag­pakulo ng tubig. Kaagad naman na kumalat ang apoy kung saan nasunog ang buong bahay ng mga biktima. Aabot naman sa P.1 milyong halaga ng mga ari-arian ang naabo.

Show comments