Van hulog sa bangin: 3 patay
BULACAN, Philippines — Tatlo-katao ang kumpirmadong namatay habang labintatlong iba pa ang nasugatan makaraang mahulog ang van sa may 250 metrong lalim na bangin sa bisinidad ng Sitio Bitbit, Brgy. San Mateo, sa bayan ng Norzagaray, Bulacan kahapon.
Nasawi sina Isagani Ocampo Sr., Carmelita Busa, at Priscilla Restituto habang sugatan naman sina Tomiyasu Koichi, Angelito Quisiquisi ng Brgy. Nueva, San Pedro, Laguna; Narcisa Ocampo, Isagani Ocampo Jr., Isagani Ocampo lll, Isagani Ocampo lV, Michael Busan, 4; Reyna Mae Calderon 4; Maritess Busan, 11; Rica Calderon, 2; Ryan Calderon, 5; Reymar Calderon, 7; at si Reychel Calderon, 10, pawang nakatira sa Brgy. Dagat-Dagatan, Caloocan City at Malabon City.
Sa ulat na nakarating kay P/Supt. Bruno Viola Jr., patungong Bitbit River para mag-eskursiyon ang mga biktimang lulan ng van (BDB 995) nang mawalan ng kontrol sa manibela ang drayber na si Quisiquisi pagsapit sa nabanggit na sitio.
Lumilitaw sa imbestigasyon na hindi kabisado ng drayber ang mga kurbadang daan patungo sa Bitbit River na nagresulta sa trahedya.
- Latest
- Trending