^

Probinsiya

Police major itinumba

- Ni Victor Martin -

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Napaslang ang isang police major matapos pagbabarilin ng motorcycle-riding gunmen sa bahagi ng Tuguegarao City, Cagayan kamakalawa ng umaga.

Nakilala ang opisyal ng pulisya na si P/Chief Inspector Hector Balinuyus, hepe ng firearms and explosive division sa police regional office.

Batay sa police report, niratrat ang biktima dakong alas-11:30 ng umaga ka­ma­kalawa nang bumaba ito sa kanyang sasakyan sa gilid ng kalsada sa diversion road ng Tugue­garao City.

Agad naman na isinu­god ang biktima sa Saint Paul Hospital, subalit bina­wian din ito ng buhay dahil sa tatlong tama ng bala sa katawan.

 “We are still investiga­ting the incident. We are having a case conference on the incident. We can’t give you details yet as to motives and suspects behind the killing,” pahayag ni P/Senior Supt. Albertlito Garcia, hepe ng regional police intelligence division.

Si Balinuyus ay naging hepe ng pulisya sa mga ba­yan ng Santa Ana, Sola­na at Lasam sa Cagayan.

Sa tala ng pulisya, si Ba­linuyus ang ikatlong pulis na pinaslang sa loob lamang ng isang linggo sa Cagayan Valley matapos ang pana­nam­bang kina P/Inspector Jelowie Antonio at PO3 Jaime Manaligod sa bayan ng Gamu, Isa­bela.

ALBERTLITO GARCIA

CAGAYAN VALLEY

CHIEF INSPECTOR HECTOR BALINUYUS

INSPECTOR JELOWIE ANTONIO

JAIME MANALIGOD

NUEVA VIZCAYA

SAINT PAUL HOSPITAL

SANTA ANA

SENIOR SUPT

SHY

SI BALINUYUS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with