MANILA, Philippines - Kamatayan ang sumalubong sa isang 28-anyos na Koreano na nagbabakasyon sa bansa makaraang malunod sa pamosong beach resort sa Boracay Island sa bayan ng Malay, Aklan kamakalawa. Nakikipagkoordinasyon na ang pulisya sa mga Korean officials para maiuwi ang bangkay ni Chang Yun Lim, 28, na naka-billet sa Boracay Garden Resort, Station 2 sa Brgy. Balabag. Naganap ang insidente sa bahagi ng Angol Point sa station 3, Boracay Island kung saan nagawa pang maisugod sa Baptist Hospital, Brgy. Caticlan, pero idineklarang patay. Lumilitaw sa pagsusuri ng mga doktor na nalunod ang biktima matapos sumpungin ng cardio-pulmonary arrest.