9 suspek sa pagpaslang sa 2 pulis, tinukoy
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya, Philippines — Tinukoy na ng pulisya ang siyam na lalaki na sinasabing mga pangunahing suspek sa pagpatay sa dalawang pulis noong Martes (Hunyo 8) sa bayan ng Gamu, Isabela.
Tinukoy ni P/Chief Inspector Melchor Cantil, hepe ng Isabela Criminal Investigation and Detection Team ang pito sa mga suspek na sina Elwer “Irong” Aquino, Amor Apalla, kapwa residente ng Ilagan, Isabela; Ronie dela Cruz, Elorde dela Cruz, Dominador dela Cruz Jr., Reynaldo “Rey” Agcaoili at si Ismael Valdez na sinasabing natagpuang patay sa bahagi ng Barangay Dolores, Quirino, Isabela.
Si Valdez kabilang ang siyam na iba pang suspek ang itinuturong responsable sa pananambang sa apat na pulis na ikinasawi nina P/Inspector Jelowie Antonio at PO3 Jaime Manaligod sa bisinidad ng Barangay Bartulan. Matatandaan na galing ang apat na pulis sa surveillance operation nang ratratin ng mga suspek na nagresulta sa pagkamatay nina Antonio at Manaligod. “Cases for double murder and double attempted murder, theft and carnapping are now being prepared for filing in court,” pahayag ni Cantil.
- Latest
- Trending