LEGAZPI CITY, Albay, Philippines – Pinaniniwalaang pagkamuhi at matinding galit ang isa sa motibo kaya pinagsasaksak hanggang sa mapatay ang bunsong kapatid ng kanyang nakatatandang utol kamakalawa ng hapon sa Sitio Tucao, Barangay Uma, sa bayan ng San Miguel, Catanduanes.
Kinilala ng pulisya ang napaslang na si Ramon Tivar, 37, habang naaresto naman ng pulisya ang suspek na si Domingo Tivar, 45; at kapwa magsasaka.
Lumilitaw na lango sa alak ang suspek nang paslangin ang biktima na nagpapahinga sa loob ng kanilang bahay. Nabatid na nagalit ang suspek matapos kumalat ang balita na may relasyon ang kanyang misis sa kanyang bunsong kapatid na una ng itinanggi ng biktima.