MANILA, Philippines - Napisak ang katawan ng isang 11-anyos na batang babae makaraang mahagip at magulungan ng pampasaherong bus sa kahabaan ng highway ng Bayugan City, Agusan del Sur kamakalawa.Idineklarang patay sa Butuan City Hospital ang batang si Angelyn Lucena, mag-aaral sa Noli Elementary School.
Batay sa police report na nakarating sa Camp Crame, naganap ang sakuna sa highway ng Barangay Noli dakong ala-una y medya ng hapon.
Lumilitaw sa imbestigasyon na nasa pedestrian lane ang biktima nang bigla itong tumawid kung saan nahagip ng Bachelor Express bus na may plakang LWS-411 na patungong Butuan City.