5 nalason sa ice cream

MANILA, Philippines - Lima-katao ang na-os­pital matapos na malason sa kinaing ice cream sa Island Garden City of Samal, Da­vao del Norte kamaka­lawa. Kabilang sa mga na­isugod sa ospital ay sina Jessie Verdarela, 16; Fre­derick Laconde, 14; Francisco Peronte, 55; Sussie La­conde, 29; at si Min­danao Laconde, 56.

Sa police report na na­karating sa Camp Crame, lumilitaw na dumalo ang mga biktima sa pagtitipon sa Island Garden City of Samal kung saan kumain ng ice cream na kabilang sa ini­handa sa nasabing okas­yon. Gayon pa man, mata­pos makapag­meryenda ay mag­kakasunod na nakara­nas ng pananakit ng tiyan, pag­susuka, pagkahilo kaya’t mabilis na isinugod sa pagamutan.

Sa inisyal na imbesti­gasyon, natuklasan na expired na ang kinain na ice cream sa handaan.

Show comments