Iskursiyon nauwi sa trahedya... 20 estudyante napisak, 31 grabe

MANILA, Philippines - Sinalubong ni ka­ma­tayan ang 20 estudyante na lulan ng tourist bus na may plakang 666 na sina­sabing patungo sana sa masayang outing maka­raang mahulog sa malalim na bangin sa bahagi ng Sitio Z, Barangay Kansa­mo­roy sa bayan ng Ba­ lam­ban, Cebu kahapon ng hapon.

Sa phone interview, ki­numpirma ni Lt. Col. Miguel Ernesto Okol, na 20 bang­kay ang naiahon ng mga tauhan ng dalawang UH-IH helicopter habang anim na­man ang sugatang naisu­god sa AFP-Central Minda­nao Command Hospital.

Inihayag naman ng Ce­bu PNP na 7-Iranian ang na­tagpuang patay sa crash site habang aabot naman sa 31 iba pa ang malub­hang nasugatan na naisu­god sa Balamban District Hospital.

Inaasahan namang ta­taas pa ang bilang ng mga nasawi habang patuloy ang search and rescue operation ng mga awtoridad.

Sinabi ni Okol na humi­ngi ng tulong sa kanilang command si Balamban Mayor Alex Binghay para mabilis na maiahon ang mga biktima.

Kaagad namang ipinag-utos ni Air Force Chief Lt. Gen. Oscar Rabena sa 2nd Air Division sa Cebu ang rescue mission upang tumulong sa pulisya sa pag-aahon ng mga biktima na kinabibilangan din ng mga Iranian.

Sa pahayag naman kay PO3 Arden Trocio ng Ba­lamban PNP, naganap ang trahedya bandang alas-12:30 ng tanghali kung saan nahulog sa may 30 metrong lalim na bangin ang Cattleya Tourist bus na may plakang GWZ-666 na may lulang 70 pa­sahero.

Sa inisyal na imbesti­gas­yon, lumilitaw na na­miskalkula ng drayber ang matarik na highway kaya bumulusok sa bangin ang nasabing bus na patungo sana sa bayan ng Tuburan para mag-outing sa pamo­song beach resort.

Sinasabing may lulan 70 nursing at medical students ng Cebu Doctors University Hospital ang tourist bus kung saan pa­tuloy pang inaalam ng pu­lisya ang mga pangalan ng mga nasawing biktima.

Show comments