3 'sinalvage' natagpuan

CAVITE , Philippines  — Tatlong lalaki na sinasabing biktima ng summary execution ang natagpuan sa magkahiwalay na bayan sa Cavite kamakalawa. Dalawang bangkay ng lalaki na kapwa binalot ng packaging tape ang mukha at pinako ang ulo ang natagpuan sa bisinidad ng Molino Boulevard sa Barangay Niog 3, Bacoor, Cavite. Nag-iwan ang mga suspek ng placard na may katagang - “holdaper huwag tularan”. Samantala, natagpuan naman ang isa pang biktima sa Brgy. San Rafael 4, Noveleta. Nakagapos ang mga kamay at may mga sugat sa katawan na pinaniniwalaang pinahirapan muna bago pinatay.

Show comments