Pinsan ni Mayor Saquilayan namaril

CAVITE , Philippines  — Hindi pa man nakakaupo si Mayor-elect Homer Saquilayan ay ipi­namalas na ng kanyang pinsang lalaki ang pagha­hasik ng lagim makaraang mamaril sa loob ng baran­gay hall kamakalawa ng gabi sa Barangay Malaga­sang 2-B, sa bayan ng Imus, Cavite.

Sa ulat ni P/Supt. Joseph Arguelles, hepe ng Imus PNP, lumilitaw na sinugod ng suspek na si Cesar “Jepoy” Saquilayan ang barangay hall at nang walang makitang barangay opisyal ay pinagbabaril ang mga gamit kung saan nag­kalat ang bubog ng television, fluorescent bulb at air-condition unit.

Ayon kay Barangay Chairman Eduardo Saunar, wala naman nasugatan o nasawi sa pamamaril ni Saquilayan.

Pinaniniwalaang puli­tika ang isa sa motibo ng suspek dahil si Chair­man Saunar ay kilalang supporter ni Cavite Gov. Ayong Maliksi na ama ni Imus Mayor Manny Ma­liksi na tinalo ni Homer Sa­quilayan.

Show comments