Pinsan ni Mayor Saquilayan namaril
CAVITE , Philippines — Hindi pa man nakakaupo si Mayor-elect Homer Saquilayan ay ipinamalas na ng kanyang pinsang lalaki ang paghahasik ng lagim makaraang mamaril sa loob ng barangay hall kamakalawa ng gabi sa Barangay Malagasang 2-B, sa bayan ng Imus, Cavite.
Sa ulat ni P/Supt. Joseph Arguelles, hepe ng Imus PNP, lumilitaw na sinugod ng suspek na si Cesar “Jepoy” Saquilayan ang barangay hall at nang walang makitang barangay opisyal ay pinagbabaril ang mga gamit kung saan nagkalat ang bubog ng television, fluorescent bulb at air-condition unit.
Ayon kay Barangay Chairman Eduardo Saunar, wala naman nasugatan o nasawi sa pamamaril ni Saquilayan.
Pinaniniwalaang pulitika ang isa sa motibo ng suspek dahil si Chairman Saunar ay kilalang supporter ni Cavite Gov. Ayong Maliksi na ama ni Imus Mayor Manny Maliksi na tinalo ni Homer Saquilayan.
- Latest
- Trending