^

Probinsiya

2 kinidnap pinugutan ng Sayyaf

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Dalawa sa tatlong ma­ngangahoy na kinidnap ang pinugutan ng mga bandidong Abu Sayyaf ma­karaang mapagawi sa te­ritoryong pinagtataguan ng teroristang grupo sa ka­gubatan ng bayan ng Ma­luso, Basilan.

Kinilala ang mga pinu­gutan at pinagtataga na sina Daduh Lumatang at Manuel Lumasag.

Sa phone interview, si­nabi ni Task Force Trillium Commander Rear Admiral Alexander Pama, nareko­ber ang bangkay ng mga biktima noong Sabado ng umaga sa magubat at bu­lun­bunduking bahagi ng Sitio Pali, Brgy. Abong-Abong.

Kasalukuyang pinagha­hanap ang isa pang biktima na si Elpidio Aminense na kasamahan na hindi pa rin alam kung ano ang kina­sapitan.

Base sa imbestigasyon, ang mga biktima ay dinukot ng grupo ni Abu Sayyaf Commander Furuji Indama noong Biyernes matapos na matiyempuhang na­ngangahoy sa nabanggit na barangay.

Dahil sa serye ng ope­rasyon ng militar laban sa grupo ni Indama sa Brgy. Sukaten, Sumisip, Basilan ay nagsitakbo ang mga bandido sa bahagi ng Ma­luso, Basilan kung saan natiyempuhan naman ang mga biktima habang na­ngangahoy.

Ayon sa ulat, hindi ka­song kidnap-for-ransom ang pagbihag sa mga bik­tima at posibleng napag­diskitahan lamang pasla­ngin matapos na matiyem­puhan sa lugar.

Posibleng napagka­malang military asset ang mga biktima lalo pa at Kristiyano ang mga ito kaya brutal na pinaslang.

ABU SAYYAF

ABU SAYYAF COMMANDER FURUJI INDAMA

BASILAN

BRGY

DADUH LUMATANG

ELPIDIO AMINENSE

MANUEL LUMASAG

SHY

SITIO PALI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with