LEGAZPI CITY, Albay, Philippines — Tatlong dalagita na sinasabing dadalo sana sa sayawan sa ginanap na kapistahan ang napariwara makaraang magkakasabay na halayin ng mga adik sa bawal na droga kamakalawa ng gabi sa Sitio Tibang, Barangay Bagacay, Legazpi City, Albay. Samantala, iginapos naman ang dalawang pinsang lalaki ng tatlo na pawang nakatira sa Barangay Homapon. Nabatid na patungo sana sa Barangay Bagacay ang mga biktima upang dumalo sa sayawan subalit nakasalubong ang mga manyakis malapit sa palaisdaan ni Congressman Al Francis Bichara.