Professor kinidnap

MANILA, Philippines - Isang 54-anyos na professor ng Lanao National College of Arts and Trade ang dinukot ng mga armadong kalalakihan sa bisinidad ng Brgy. Panggao Saduc sa Marawi City, Lanao del Sur kamakalawa. Si Dr. Amer Sumulon ay dinukot sa campus ng nabanggit na eskuwelahan bandang alas-10:30 ng umaga kung saan isinakay ang biktima sa berdeng Toyota Sedan na may plakang KCA -863 saka tumakas patungong bayan ng Piagapo sa Lanao del Sur.  

Show comments