3 'tulak' arestado sa droga

BULACAN, Philippines — Tatlong kalalakihan na sinasabing nagpakalat ng bawal na droga ang naaresto ng mga awtoridad sa magka­kahiwalay na tatlong bayan sa lalawigan ng Bulacan kahapon.

Pormal na kina­suhan ng pulisya ang mga sus­ pek na sina Zander Ace Poras ng Brgy. Bancal, Meycau­ayan City, at anak ni SPO4 Arthur Poras ng Isabela PNP; Benjamin Teneripe ng Brgy. San Martin 4, San Jose Del Monte City, at Nicanor “Niknik” Salvador ng Brgy. San Juan, Balag­tas. Si Poras ay naaresto sa bisinidad ng Barangay Lo­lomboy, Bocaue, Bula­can habang si Teneripe ay na­dakip sa labas ng kan­yang bahay sa Brgy. San Martin 4, San Jose Del Monte City.

 Samantala, si Salvador ay dinakma sa Sitio Bi­gaang Matanda.

Show comments