^

Probinsiya

Trike vs van: 2 patay, 11 sugatan

-

SULTAN KUDARAT , Philippines  — Dalawa-katao ang iniulat na nasawi habang labing-isang iba pa ang nasugatan maka­raang magkasalpukan ang traysikel at van sa highway ng Barangay New Tarlac sa bayan ng Esperanza, Sultan Kudarat, kahapon.

Kabilang sa namatay ay ang drayber ng traysikel na si Reinier Tangonan, 29; at Feliciano Hinaut,54, drayber naman ng van na sinasak­yan ng mga sugatang ka­wani ng Notre Dame Broadcasting Corp. na nakabase sa Cotabato City.

Sugatan naman sina Minah Lintongan, Raul Gra­tuito, kapwa disc jockey; Vern Simon, Sam Sali, Eve­lyn Escleto, pawang ads traffic-in-charge; Grace Tang­hal, chief disc jockey ng dxOL-FM; Jeffrey Mendez, radio newswriter; Rupert Sapuay, Dennis Pido, kap­wa broadcast media technician; at si Rogelio Do­ruelo, radio ads collector.

Sa ulat ni PO3 Rodrigo Tabelin na ipinarating na ulat ni Edwin Fernandez, NDBC-Cotabato radio station manager, pauwi na ang mga biktimang sugatan mula sa team building activity sa bayan ng Gumasa, Saran­gani nang maganap ang aksidente.

Ayon sa report, tinang­kang iwasan ng van ang traysikel na sinasabing nag-alanganin sa pagtawid sa kabilang kalsada kung saan nahagip ng van ang likurang bahagi nito. Tatlong beses na buma­liktad ang van habang nagpagulung-gu­long naman ang traysikel kung saan kapwa nasawi ang dalawang drayber. Malu Manar at Chin Hawtay

vuukle comment

BARANGAY NEW TARLAC

CHIN HAWTAY

COTABATO CITY

DENNIS PIDO

EDWIN FERNANDEZ

FELICIANO HINAUT

GRACE TANG

JEFFREY MENDEZ

MALU MANAR

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with