5 dedo sa pamamaril

BATANGAS, Philippines — Sa ka­bila ng umiiral na Comelec gun ban sa bansa, lima-katao ang iniulat na na­pa­tay sa naganap na magka­kahi­walay na karahasan noong Sabado.

Kinilala ni P/Senior Supt. Alberto Supapo, ang mga napaslang na mag-amang sina Luis Aguinal­do, 45 at El­mer Aguinaldo, 23, ng Ba­rangay Abung, San Juan, Batangas; Ber­nardo Are­valo, 51, ng Al­fonso, Cavite; Jay-ar Agon­­cillo, 21, ng Ba­rangay Qui­ling, Talisay at Noel Ca­guim­bal, 52, ng Ba­rangay Aguila, San Jose, Ba­tan­gas.

Ayon sa police report, patay ang mag-amang Aguinaldo nang pagba­barilin ng ‘di-pa kila­lang lalaki sa baybayin ng Sitio Silangan, Baran­gay Abung, San Juan, Batan­gas. Sa bayan ng Tuy, Ba­tan­gas, napatay naman ang ne­gosyanteng si Bernardo Arevalo ma­tapos barilin ha­bang pa­palabas ng Mt. Ba­tulao Cockpit Arena sa Ba­rangay Luntal habang naki­lala naman ang suspek na si Jomarh Potentado kung saan nasugatan mata­pos mabaril ng mga pulis at ginagamot sa Batangas Regional Hospital.

Nabaril naman si Agon­cillo habang sakay nang owner-type jeep (DLX-532) at bibili sana ng ice cream sa Jeremy Ice Plant sa Adis St. , Tapia Subd., Brgy. Pob. 6, Tanauan City. Sa ba­­yan ng San Jose, na­patay na­man si Noel Ca­guimbal ma­tapos pag­ba­barilin habang nakaupo sa motorsiklo at nag-aantay sa kanyang misis na si Eusebia sa Ba­ran­gay Aguila.

Show comments