3 mag-uutol todas sa quarry site

BULACAN, Philippines — Hindi na maipagpapatuloy ng tat­long mag-uutol ang kani­lang pag-aaral sa nalalapit na pasukan makaraang malunod magkakasunod sa malalim at maburak na tibagan ng bato (quarry site) sa Barangay Caysio sa bayan ng Sta. Maria, Bu­lacan kahapon.

Kinilala ni P/Supt. Mar­cos Rivero ang mga na­sawi na sina Jennifer Abuan, 14; Mariano Abuan, 12; at si Jecca Mae Abuan, 9, pawang nakatira sa Barangay Kaypombo.

Huling namataang bu­hay ang tatlo na kasama ang kanilang kalarong sina Jerome at Lyzette na na­mu­mulot ng panggatong malapit sa nabanggit na quarry site matapos mag­pa­alam sa kanilang mga magulang.

Lumilitaw sa pagsisi­ya­sat na habang binabay­bay ng mga bata ang gilid ng hu­kay na may tubig sa quar­ry site nang madulas at mahulog sina Jennifer at Jec­ca Mae matapos mag­biruan

Sinaklolohan naman ni Ma­riano ang kanyang da­la­wang kapatid bago tu­malon at dahil mga ‘di-ma­runong lumangoy ay tulu­yan na itong nilamon ng tu­big na ang ilalim ay burak.

Agad namang tumakbo pabalik sa bahay sina Je­rome at Lyzette upang hu­mingi ng tulong sa kanilang mga magulang subalit hindi na naisalba pa sa tiyak na kamatayan ang tatlong mag-uutol.

Sa tala ng pulisya, uma­abot na sa anim na kaba­taan ang nalulunod sa na­banggit na quarry site na posibleng muling maulit kapag hindi umaksyon ang kinauukulang ahensya ng lokal na pamahalaan.

Show comments