Bahay ng solon, 6 pa naabo sa P5-milyong sunog

MANILA, Philippines - Pitong kabahayan kabi­lang ang tahanan ni Congressman Pangalian Ba­ lin­dong ang naabo sa su­nog na naganap sa Ulaya Compound, Taraka Avenue, Brgy. Curahab, Ma­la­bang, Lanao del Sur kama­ka­lawa.

Sa ulat ng Police Regional Office-Autonomous Region in Muslim Minda­nao (PRO-ARMM), ban­dang alas- 4 ng ha­pon ng tupukin ng apoy ang Ulaya Compound sa nasabing lugar.

Kabilang sa tinupok ng apoy ay ang bahay ni Congressman Balindong at isang mosque.

Nagulat na lamang ang mga residente sa lugar ma­ta­pos na makitang nasusu­nog ang ilang mga bahay sa Ulaya Compound.

Ang sunog ay mabilis na kumalat at ilang saglit pa ay natupok ang mga ka­ba­hayan na naapula la­mang matapos na mag­res­ponde ang mga bumbero.

 Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente bagaman umaabot sa P5 M ang pinsalang nilikha ng sunog.

Show comments