Bahay ng solon, 6 pa naabo sa P5-milyong sunog
MANILA, Philippines - Pitong kabahayan kabilang ang tahanan ni Congressman Pangalian Ba lindong ang naabo sa sunog na naganap sa Ulaya Compound, Taraka Avenue, Brgy. Curahab, Malabang, Lanao del Sur kamakalawa.
Sa ulat ng Police Regional Office-Autonomous Region in Muslim Mindanao (PRO-ARMM), bandang alas- 4 ng hapon ng tupukin ng apoy ang Ulaya Compound sa nasabing lugar.
Kabilang sa tinupok ng apoy ay ang bahay ni Congressman Balindong at isang mosque.
Nagulat na lamang ang mga residente sa lugar matapos na makitang nasusunog ang ilang mga bahay sa Ulaya Compound.
Ang sunog ay mabilis na kumalat at ilang saglit pa ay natupok ang mga kabahayan na naapula lamang matapos na magresponde ang mga bumbero.
Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente bagaman umaabot sa P5 M ang pinsalang nilikha ng sunog.
- Latest
- Trending