MANILA, Philippines - Umaabot na sa 209-katao ang nadale ng diarrhea matapos makainom ng kontaminadong tubig sa Barangay Poblacion sa bayan ng President Roxas, North Cotabato, ayon sa opisyal kahapon. Sa ulat na nakarating kahapon sa Office of Civil Defense mula kay Dominic Laos ng municipal health office, karamihan sa mga residente na dumanas ng diarrhea ay mula sa nabanggit na barangay. Nabatid na siyam sa mga biktima ng pagtatae ang nananatili sa New Cebu District Hospital. Samantalang pinauwi na lamang at nagpapagaling ang iba pang mga biktima.