3 rebelde bulagta sa PAF

BATANGAS, Philippines — Tatlong re­beldeng New Peoples Army ang iniulat na napatay samantalang tatlong iba pa ang naaresto matapos ma­kasagupa ng mga sundalo ng Philippine Air Force sa bayan ng Taysan, Batangas kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Lt Col Arnel Villa­real, commander ng 740th Combat Group ng PAF ang mga nasawing re­belde na sina alyas Dan­dan, team leader ng San­da­ta­hang Yunit Propaganda (SYP) Baking, Cha­rito “Ka Ada” Bautista at isang “Ka Randy.”

Naaresto naman sina Ronnel “Eugene” Baes ng San Juan, Batangas, Romy” Ka Romy” Cañete ng Ba­lara, Quezon City at isang “Ka Sandra” na nasugatan sa la­banan at kasalukuyang ginagamot sa Maderazo Hospital sa bayan ng Ro­sario, Batangas.

Lumilitaw na nagsa­gawa ng operasyon ang mga tauhan ng 743rd Com­bat Squadron at 740th Combat Group sa pangu­nguna ni 1Lt. Sangjan Pan­ding ma­tapos na ma­ka­tanggap ng impormas­yon sa pre­sensya ng NPA sa bisini­dad ng Sitio Tagusan sa Barangay Bucal.

Dito na sumiklab ang sagupaan.

Naka-rekober sa encounter site ng apat na M-16 rifles, M203 grenade launcher, apat na rifle grenades at dalawang Motorola handheld radio.

Samantala, nasugatan naman si Airman 1st Class Michael Lalog, matapos tamaan ng bala sa balikat kung saan naisugod sa Palma Malaluan Hospital. Arnell Ozaeta at Joy Cantos

Show comments