3 rebelde dedo sa encounter
ZAMBALES, Philippines — Tatlong rebelde na miyembro ng Rebolusyonaryong Hukbong Bayan, ang iniulat na napaslang matapos makasagupa ang mga operatiba ng pulisya kahapon sa liblib na bahagi ng Sitio Hobol sa Barangay San Roque, Candelaria, Zambales.
Ayon kay P/Chief Supt Arturo Cacdac, Central Luzon regional police director, bandang alas-7 ng umaga nang makasagupa ng mga tauhan ng Provincial Public Safety Management Company sa pamumuno ni P/Inspector Rolando Dellezo ang mga rebelde. Samantala, sugatan naman si Dellezo na isinugod sa Candelaria District Hospital.
Narekober sa encounter site ang dalawang baril, mga bala, 3 bala ng M203 grenade launcher at mga subersibong dokumento.
- Latest
- Trending